![]() |
| "Wala sa kulay at ganda makikita ang pagmamahal kundi ito'y nasa kaloob-looban ng iyong puso". |
Sa tagal-tagal ng ating pinagsamahan, kahit ano pa ang nilalaman di alintana kung kape, gatas, tsaa, juice o tubig, mapamainit, mapamalamig o maligamgam basta tayong dalawa ang magkasama ayos na ayos lang......
Kahit na magkupas na ang ating kulay o minsan ay mapingasan, hindi kailan man kita iiwan pagkat tayong dalawa ang para sa isa't isa. Kahit pa magkalamat ang isa sa atin kung tayo'y magkasama daig pa ang ginamitan ng Mighty bond sa tibay ng pagmamahalan.....
Wala na ngang hihigat at sasarap pa sa samahan nating dalawa dahil kahit anong bagyo pa ang dumaan, di matitinag at mababasag ang ating pagmamahalan, kahit na ano pa ang sabihin ng iba basta tayo ay masaya at habang buhay tayong dalawa ang magkasama..........
afl

Wow!!!!!! nakaka inspire....
ReplyDeleteayos po ito ah!!!astig sa composition ah...hehe makata ng Sampaloc.:)
ReplyDelete